sigelagpahiyum

There must be more to life than having everything.
-Maurice Sendak




I AM YAM
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30



Shrek Lyrics













Counters
Site Counter

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Tuesday, August 16, 2005
*sigh*



If for an instant God were to forget that I am a rag doll and gifted me with a piece of life, possibly I wouldn't say all that I think, but rather I would think of all that I say.

I would value things, not for their worth but for what they mean. I would sleep little, dream more, understanding that for each minute we close our eyes we lose sixty seconds of light.

I would walk when others hold back, I would wake when others sleep. I would listen when others talk, and how I would enjoy a good chocolate ice cream! If God were to give me a piece of life, I would dress simply, throw myself face first in the sun, baring not only my body but also my soul.

My God, if I had a heart, I would write my hate on ice, and wait for the sun to show. Over the stars I would paint with a Van Gogh, dream a Benedetti poem, and a Serrat song would be the serenade I'd offer to the moon.

With my tears I would water roses, to feel the pain of their thorns, and the red kiss of their petals!

My God, if I had a piece of life, I wouldn't let a single day pass without telling people I love that I love them.

I would convince each woman and each man that they are my favorites, and I would live in love with love. I would show men how very wrong they are to think that they cease to be in love when they grow old, not knowing that they grow old when they cease to be in love!

To a child I shall give wings, but I shall let him learn to fly on his own.

I would teach the old that death does not come with old age, but with forgetting. So much have I learned from you, oh men!

I have learned that everyone wants to live on the peak of the mountain, without knowing that real happiness is in how it is scaled.

I have learned that when a newborn child squeezes for the first time with his tiny fist his father's finger, he has him trapped forever.

I have learned that a man has the right to look down on another only when he has to help the other get to his feet.

From you I have learned so many things, but in truth they won't be of much use, for when I keep them within this suitcase, unhappily shall I be dying.


GABRIEL GARCIA MARQUEZ


__________
got this from a livejournal entry


salamat kay armi sa pamagat ng entry =)

Posted at 01:22 pm by sigelagpahiyum
Make a comment  

Sunday, August 07, 2005
=)


 


NO PROMISES. NO EXPECTATIONS.


Posted at 09:26 pm by sigelagpahiyum
Make a comment  

Wednesday, August 03, 2005
kung paano ko hinarap ang lahat



hay.

anukebeh yam... friendship pa lang di mo na kayang ihandle, tsk, tsk pano na lang kung seryosong pakikipagrelasyon na yan? hay...

kaya nga siguro hanggang ngaun ay olats parin ang lablayp mo... kawawang bata!

magtira ka para sa sarili mo. tama ka ang ka-ym mo kagabi, dapat mo munang mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba...

haha, baliktad na talaga ang mundo, dati ikaw ang nakikinig sa problema ng iba ngayon, ikaw naman ang nagsshare... hay layp...





-------------

salamat kay memoy sa lahat lahat. lam kong pinagtitiyagaan mo lang ang lahat ng mga kababawan ni yam, pero salamat salamat... san nga talaga magkakasama tayo para ccp nalang tayo, hay.

Posted at 05:45 pm by sigelagpahiyum
Comment (1)  

sentiYAM


ikaw,

di talaga kita maintindihan. pagkatapos ng UBE, nag iba na ang lahat. kala ko pa naman magiging super ok na ang lahat pakatapos nun. but no, dahan dahan na tayong nagkakalayo.

miss na kita. di ko lang masabi. baka isipin mo, sobrang inaangkin na kita. siguro nga. kung baket kase ambilis kong maattach sa mga tao. ambilis kong tinuturing na akin sila at pagmamay ari na rin nila ako. hay.

pero ayus na rin siguro 'to. habang maaga pa. kelangan kong matutunan at matanggap na mali ako. tama, di ko dapat ikahon ang sarili ko sayo dahil baka di mo naman talaga gusto. ang tanga ko, parang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sayo... e andami mo na ngang ginagawa, dami mong inaaatupag...

hay, palagi kong sinasabi sa iba na dapat pag nagmamahal di ka nag iexpect, pero baket ako ganito, baket ako nag iexpect... waah!

at baket ako sobrang apektado sa mga nangyayari...

minsan naisip ko, kaya ako ganito dahil ikaw lang ang tinuturing kong kaibigan sa bagong mundong ginagalawan... at ayaw kong mawala ka sakin... sa maikling panahong nagkakilala tayo lahat na nasabi ko sayo... katumbas mo ang sampung malalapit na kaibigang pansamantala kong iniwan... pinunan mo sila sa buhay ko... kaya naman sobrang napalapit ako sayo.

o yeah right, we both need some space _________ ok na ba 'to? dapat __________________ __________________________________________________________________ ganito...

sige, sige, ikaw bahala kung ano ang gusto mo.

basta, dahandahan mo ng makikita ang mga pagbabago. masakit at mahirap mang gawin pero para sayo kakayanin ko S_P_A_C_E, yeah SPACE....

paumanhin sa lahat ng abala... di ko mapapangakong agad na mababago pero susubukan ko, sa abot ng aking makakaya.

salamat sa panandaliang tuluyan na inihanda mo... lilisanin ko na ito...

pero kung gusto mo akong bumalik, sabihin mo lang, kahit sa kalagitnaan ng gabi kaibigan.


isang palaboy na,

ako
 

Posted at 05:29 pm by sigelagpahiyum
Make a comment  

Tuesday, July 26, 2005
Para sa isang kaibigan


kaibigan, kaibigan!

ang galing mo talaga. isa kang talentadong tao. di ko mapigilang ilabas ang tuwang nadadama ko ngaun para sayo. anlupet mo pare, sunudsunod na tagumpay. mga karangalang di lamang maipagmamalaki sa bansa kundi sa mundo. ang galing. iba ka pare ko.

di pa man humuhupa ang usap usapan sa iyong kamakailan lamang na nakamit na karangalan, heto ka na naman, nagdadala ng karangalan para sa bayan.

naalala mo pa ba ang madalas kong biro sayo na ikaw ang ____ng ___ ___ ?  at di pa nakontento ang isang pahayagan nang minsa'y ifeature ka nila. idinagdag pa nila ang salitang bright sa simula ng mga kataga, o deba? =)

at ngaun mukhang totoo na nga ito!

sikat ka na pare. at di lang basta sikat, talentado pa.

hay, alam kong malayo pa ang mararating mo.. isang pagbati sayo kaibigan. lagi mong tatandaan na isa ako sa mga taong habambuhay na susuporta sayo. salamat na rin sa patuloy na pagpapaalala sa akin na dapat akong mag-concentrate sa kung ano ang ginagawa ko at sa mga gusto kong gawin. isa kang inspirasyon. salamat.

di man kita personal na mababati, alam kong alam mong labis akong nasisiyahan sa mga tagumpay na natatamo mo. hanggang sa muli.

balang araw, magsasamasama tayong muli para buuhin ang mga pangarap.


Posted at 06:17 pm by sigelagpahiyum
Make a comment  

Wednesday, July 20, 2005
sa biyahe, sa ulan, sa meron, sa wala

18 JULY 2005

 

masaya na ako na wala ka. Di na nga kita naiisip e. Kumbinsido na ako na ayus lang ako kahet di na tayo magkita. Madami pang iba dyan, madalas kong hirit sa sarili.

 

pero kagabi, sa di inaasahang pagkakataon ay nakita kong muli ang iyong imahe – sa isang lalakeng kasabay ko sa jeep. Di ko maiwasang mapatingin sa tuwing maghaharutan sila ng nobya niya. Hindi dahil naalala ko ang paghaharutan natin (dahil kahet kelan di naman tayo nagharutan) kundi dahil nakikita ko sa kabuuhan niya ang isang malaking IKAW na tila minumulto ako at sinasabing “ganito na ako kasaya ngayon sa piling ng mahal ko”.

 

pinigilan ko ang sarili ko sa katitingin sa kanila. Baka kase magalit pa ang nobya nya, di pa naman sya ganun kaganda. Pasulyap ko nalang na tinitingnan ang mga mata nya, ang pamimilantik ng mga daliri nya, ang mga ngiti nya (sa akin sa tuwing mahuhuli nya akong nakatitig sa kanya), ang galaw ng labi nya sa tuwing magsasalita sya…

 

hay.

 

di ko namalayan ang mahabang byahe dahil masaya akong iniisip ang mga alaala, ang isang IKAW na dating malaking bahagi ng AKO.

 

Mayamaya ay bumaba na sila ng nobya nya. Babay na, salamat sa panandaliang saya. Gustuhin ko mang ipaalam sa kanya na sobra niya akong pinasaya, di ko magawa kaya nilubos ko nalang ang huling sandali. Tinitigan ko sya at hinintay na balikan nya ako ng  tingin na di naman nya ipinagdamot. Sa huling sandali ay nakita ko ang IKAW sa kanya.

 

Nasa bahay na ako nang tuluyan kong mahimay ang lahat ng pangyayari. Mukha pala akong tanga kanina, sabi ko. Pero ayus lang, di naman masusuklian ang saya kahet panadalian lang.

 


Posted at 08:50 am by sigelagpahiyum
Make a comment  

Friday, July 15, 2005
Let's go UP!!!

 

UP FIGHTING MAROONS

Standing: 2-0

Yebah! Winner! Award! <with three turns, hehe>

go, UP go! UP fight!

Posted at 12:01 pm by sigelagpahiyum
Make a comment  

Onli in da Pilipins


"kahet sa amerika, may artista sa politika, pero saang bansa ka makakakita ng politikong gustong mag-artista? onli, onli,onli in da pilipins..."

                                                                               -onli in the pilipins themesong
                                                                                dating sitcom sa abs-cbn


hay. ang gulo ng pinas. rally dito, rally dun. pro at anti, bata at matanda, may alam at kahet ang mga wala, nasa labas at nagrarally!

onli in the pilipins talaga!

natatawa na lang ako sa mga pangyayari. lupet ng mga tao.  di na nga ako nanonood ng balita dahil nakakalito na, nakakawindang... mayamaya may flash news... kanya-kanyang press releases. waah!

dito sa davao, umaga palang super ready na ang rizal park for a prayer rally led by davao's most powerful religious group (quibuloy's). pro gma naman ang grupo.

tapos sa maynila sila susan roces naman ang nagrarally. ang gulo, sadyang onli in the pilipins talaga.

hay. di ko matantsa ang mga tao. everybody wants to be a star! pama artista man o mapa politiko. Kumusta naman ang Pilipinas at ang ekonomiya nito?

basta para sa akin, ganito lang: kung palalayasin  mo ang labandera mo dahil hindi sya marunong magtanggal ng mantsa, sa tingin mo kaya 'tong tanggalin ng hardinero mo? e, hindi naman sya labandera... at kung ipapalit mo naman ang isang baguhang labandera na wala pang masyadong karanasan sa paglalabada, pano nya tatanggalin ang mantsa. ISANG MALAKING GUDLAK!
 
hay naku.

Posted at 09:16 am by sigelagpahiyum
Comments (5)  

Wednesday, July 13, 2005
Cinemalaya atbp.

waah... di ko mapigil na manggigil, matuwa at maexcite... halaa...

just read an article from a local newspaper -- lasponggols directed by sigfreid barros-sanchez is showing today at ccp. it stars jeffrey quizon and dwight gaston. it's a black comedy. saya ng istorya (based on  what ive read sa newspaper). promising sya... 

pero what excites me most are the supporting casts. astig! biruin mong andun si pete lacaba at ang ating pinakamamahal na si mam marra pl lanot... waah, bigla kong gustong umuwi sa manila at manood mamayaaa... gusto kong makita kung pano umarte si mam, hehe.

haha, hi kay rex. sana manood sya... for more!

guys, nood kayo tapos kwentuhan nyo ako. sige na ha. salamat.  

Posted at 09:40 am by sigelagpahiyum
Comment (1)  

back to the ym world!

Last night was a great ym night! Almost everyone's online! Kakawindang. Winner. Hirit dito, hirit dun! Musta dito, hello dun! Ang galing! Talagang malayo man, malapit din.

Then when i was at a point na feeling ko kaya ko ng ihandle nang maayos ang lahat, nagsimula naman silang mag alisan, hehe. Ang pagkakataon nga naman...

Salamat sa mga tao... pinasaya nyo ako nang lubusan. See yah later! Paghahandaan ko ang conference. dapat makahirit na ako at di lang nagbabasa.


Posted at 09:00 am by sigelagpahiyum
Make a comment  

Next Page