Entry: Para sa isang kaibigan Tuesday, July 26, 2005




kaibigan, kaibigan!

ang galing mo talaga. isa kang talentadong tao. di ko mapigilang ilabas ang tuwang nadadama ko ngaun para sayo. anlupet mo pare, sunudsunod na tagumpay. mga karangalang di lamang maipagmamalaki sa bansa kundi sa mundo. ang galing. iba ka pare ko.

di pa man humuhupa ang usap usapan sa iyong kamakailan lamang na nakamit na karangalan, heto ka na naman, nagdadala ng karangalan para sa bayan.

naalala mo pa ba ang madalas kong biro sayo na ikaw ang ____ng ___ ___ ?  at di pa nakontento ang isang pahayagan nang minsa'y ifeature ka nila. idinagdag pa nila ang salitang bright sa simula ng mga kataga, o deba? =)

at ngaun mukhang totoo na nga ito!

sikat ka na pare. at di lang basta sikat, talentado pa.

hay, alam kong malayo pa ang mararating mo.. isang pagbati sayo kaibigan. lagi mong tatandaan na isa ako sa mga taong habambuhay na susuporta sayo. salamat na rin sa patuloy na pagpapaalala sa akin na dapat akong mag-concentrate sa kung ano ang ginagawa ko at sa mga gusto kong gawin. isa kang inspirasyon. salamat.

di man kita personal na mababati, alam kong alam mong labis akong nasisiyahan sa mga tagumpay na natatamo mo. hanggang sa muli.

balang araw, magsasamasama tayong muli para buuhin ang mga pangarap.

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments