|
ikaw, di talaga kita maintindihan. pagkatapos ng UBE, nag iba na ang lahat. kala ko pa naman magiging super ok na ang lahat pakatapos nun. but no, dahan dahan na tayong nagkakalayo. miss na kita. di ko lang masabi. baka isipin mo, sobrang inaangkin na kita. siguro nga. kung baket kase ambilis kong maattach sa mga tao. ambilis kong tinuturing na akin sila at pagmamay ari na rin nila ako. hay. pero ayus na rin siguro 'to. habang maaga pa. kelangan kong matutunan at matanggap na mali ako. tama, di ko dapat ikahon ang sarili ko sayo dahil baka di mo naman talaga gusto. ang tanga ko, parang pinagsisiksikan ko ang sarili ko sayo... e andami mo na ngang ginagawa, dami mong inaaatupag... hay, palagi kong sinasabi sa iba na dapat pag nagmamahal di ka nag iexpect, pero baket ako ganito, baket ako nag iexpect... waah! at baket ako sobrang apektado sa mga nangyayari... minsan naisip ko, kaya ako ganito dahil ikaw lang ang tinuturing kong kaibigan sa bagong mundong ginagalawan... at ayaw kong mawala ka sakin... sa maikling panahong nagkakilala tayo lahat na nasabi ko sayo... katumbas mo ang sampung malalapit na kaibigang pansamantala kong iniwan... pinunan mo sila sa buhay ko... kaya naman sobrang napalapit ako sayo. o yeah right, we both need some space _________ ok na ba 'to? dapat __________________ __________________________________________________________________ ganito... sige, sige, ikaw bahala kung ano ang gusto mo. basta, dahandahan mo ng makikita ang mga pagbabago. masakit at mahirap mang gawin pero para sayo kakayanin ko S_P_A_C_E, yeah SPACE.... paumanhin sa lahat ng abala... di ko mapapangakong agad na mababago pero susubukan ko, sa abot ng aking makakaya. salamat sa panandaliang tuluyan na inihanda mo... lilisanin ko na ito... pero kung gusto mo akong bumalik, sabihin mo lang, kahit sa kalagitnaan ng gabi kaibigan. isang palaboy na, ako |
| Leave a Comment: |